Dinipensahan ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III ang nakatakdang pagtataas ng kontribusyon ng mga miyembro ng kontrobersyal na Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa susunod na taon.
Ayon kay Duque, sa ilalim ng Universal Health Care law kailangan itaas ang buwanang bayad ng kanilang miyembro upang matiyak ang mas matagal na pananatili ng sistema.
Nabatid na kahapon nang ihayag ng PhilHealth ang pagtataas ng higher monthly premiums kung saan tumaas ito sa 3.5 percent mula sa 3 percent.
Ang mga miyembro na kumikita ng hanggang P10,000 kada-buwan ay magbabayad ng P350 kada buwan.
Habang ang mga kumikita naman ng P10,000.01 hanngang P69,999.99 ay may buwanang hulog mula sa P350 hanggang P2,449.99.
Mayroon namang fixed na kontribusyon na P2,450 kada buwan ang mga sumasahod ng P70,000 pataas.