Inihayag ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III na tuloy na ngayong Enero ang pagtataas ng kontribusyon ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ayon kay Duque, ito ay bilang pagsunod sa batas na Universal Health Care Law.
Mapipigil lamang aniya ang pagtataas ng kontribusyon sa PhilHealth kung aamyendahan ng Kongreso ang nasabing batas.
Nabatid na batay sa batas, mula 3 percent magiging 3.5 percent ng monthly income ang magiging buwanang kontribusyon ng miyembro ng PhilHealth.
Matatandaang una nang iginiit ng ilang administration senators na ipagpaliban ang pagtataas ng kontribusyon sa PhilHealth.
Sa ngayon, pinamamadali na ng Senado ang pag-aksyon sa mga panawagang ipagpaliban ang pagtataas ng kontribusyon sa PhilHealth.
Dahil dito, posibleng mapaaga pa ang pagdinig ng Kongreso.