Pagtataas ng PhilHealth Premium contribution, mali ang timing ayon kay presidential candidate Senador Ping Lacson

Naniniwala si presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson na hindi napapanahon ang pagtataas ng Philippine Health Insurance (PhilHealth) ng kontribusyon mula sa mga miyembro nito.

Ipinaliwanag ni Lacson na bagama’t nasa ilalim ng Universal Healthcare Law ang pagtataas ng premium, mali ang timing ng pagpapatupad nito dahil patuloy pang bumabangon ang mamamayan sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng Universal Healthcare Law na inaprubahan noong 2018, mula sa 2.75% ay itataas sa 4% ang kontribusyon sa PhilHealth ngayong taon.


Ayon kay Lacson, marami pa anyang maliliit na negosyo ang hinid pa tuluyang nakakarekober sa epekto ng pandemya ay dagdag na pasanin na naman ang kanilang kahaharapin.

Bukod dito, idinagdag ni Lacson na sariwa pa sa utak ng mamamayan ang mga isyu sa PhilHealth partikular na ang sinasabing anomalya sa Interim Reimbursement Mechanism kung saan nasa labing-apat na bilyong pisong pondo ang sinasabing nawala.

Binigyang diin pa ni Lacson na kung nagawang suspindihin ng gobyerno ang pagtataas ng premium mula 2019 ay nakapagtatakang sa ganitong panahon pa ito ipatutupad.

Facebook Comments