Pagtataas ng Red Alert sa Bagyong Mawar, pinagpupulungan ng NDRRMC

Tinatalakay ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang posibilidad na pagtataas ng Red Alert status bilang paghahanda sa Bagyong Mawar.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Asec. Raffy Alejandro kasama ito sa pre-disaster risk assessment meeting ngayong araw.

Sa ngayon ani Alejandro, nakataas ang Blue Alert status kung saan nagsasagawa ng continuous monitoring ang Office of Civil Defense (OCD) at kanilang regional offices sa sitwasyon sa kanilang lokalidad.


Inalerto na rin aniya ang mga local government units na nasa western at eastern seaboard na maapektuhan ng sama ng panahon.

Kasunod nito, tiniyak ni Alejandro na naka-standby na ang iba’t ibang response teams habang patuloy ang stockpiling at pre-positioning ng relief goods at family food packs.

Facebook Comments