Pagtataas ng watawat sa isa sa makasaysayang lugar sa bansa, pinangunahan ni Secretary Andanar

Bukidnon – Pinangunahan ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang Flag Raising Ceremony kaninang umaga sa Manolo Fortich sa Bukidnon kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Ayon kay Andanar, napili nila ang Manolo Fortich dahil ito ay may malaking bahagi sa kasaysayan lalo noong digmaang pandaigdig.

Kaugnay pa nito ay pinasalamatan rin ng kalihim ang tropa ng pamahalaan na nakipaglaban na itinuturing na mga bayani ng bansa para makamit ang kapayapaan sa Marawi City dahil narin sa Teroristang Grupong Maute.


Matapos ang flag raising ay nag-alay si Andanar ng bulaklak sa monumento ni Gat Jose Rizal na sinundan naman ng 12 gun salute ng Armed Forces of the Philippines.

Bukod kay Andanar ay nanguna din ng flag raising ceremony sa ibat ibang lugar sa bansa ang iba pang opisyal ng pamahalaan mula sa Senado at Hudikatura bilang bahagi ng selebrasyon ng anibersaryo ng kalayaan ng bansa.

Bukod pa rito ay dalawang kalapati rin ang pinalipad na nagsisimbolo ng kapayapaan at puting lobo naman para sa pag-alis ng krisis na kinakaharap ngayon ng Pilipinas.

Samantala, sa pagtatapos naman ng seremonya ay nangako si Andanar na hindi hahayaan muli ng pamahalaan ang ginawang pagtataaas ng watawat ng ISIS sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments