Pagtataas sa 100% ng kapasidad sa mga pampublikong sasakyan, suportado ng PITX

Suportado ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na itaas sa 100% ng kapasidad ng mga pampublikong sasakyan sa bansa.

Pero ayon kay PITX corporate affairs at government relations head Jason Salvador, para lamang ito ng mga indibidwal na kumpleto na ang bakuna o ‘yong mga fully vaccinated.

Binatikos din nito ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis sa bansa na lubhang nakakaapekto sa mga PUV driver at operators.


Matatandaang nitong martes, dinipensahan ng Department of Transportation (DOTr) ang panukala nitong itaas sa fully capacity ang mga pampublikong sasakyan sa bansa kasabay ng pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Facebook Comments