Pagtataas sa diskwento sa binabayarang kuryente at tubig ng senior citizens, aprubado na sa komite ng Kamara

Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang “tax provisions” ng panukala na layong itaas pa ang diskwento sa binabayarang kuryente at tubig ng mga senior citizens.

Sa pagdinig ngayong araw ng komite ay agad na inaprubahan ang “substitute bill” ng House Bills 1903 at 3040 na nagaamyenda sa Republic Act 7432 o Expanded Senior Citizens Act of 2021.

Batay sa isinusulong na panukala, bibigyan ng hindi bababa sa 10% na diskwento ang mga senior citizens sa kanilang buwanang water at electricity bills, at “exemption” mula sa Value Added Tax o VAT.


Kabilang naman sa mga requirement ay dapat naka-rehistro o nakapangalan sa senior citizen ang metro ng kuryente at tubig; at ang buwanang konsumo ay hindi hihigit sa 150 kilo watts per hour sa kuryente; habang 30 cubic meters para sa tubig.

Bukod sa mga nabanggit, ang pribilehiyo ay para sa kada “household” kahit ilan pa ang senior citizen, at kung ang rehistradong nakatatanda ay patuloy na nakatira sa naturang tahanan o address.

Facebook Comments