Pagtataas sa passenger capacity sa mga PUV, hindi sapat na tulong sa mga driver at operators

Ikinatuwa ni Senator Imee Marcos ang pagtataas sa 75% ng passenger capacity sa pampublikong transportasyon.

Sabi ni Marcos, sa wakas ay pinagbigyan ito ng Department of Transportation (DOTr) matapos ang siyam na linggo na sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng langis sa panahong wala pa noong binibigay na fuel subsidy o diskwento.

Gayunpaman, ayon kay Marcos ay hindi ito sapat dahil maliit at atrasadong tulong pa ito sa Public Utility Vehicle (PUV) operators at drivers.


Paliwanag ni Marcos, ito ay dahil bukod sa tumataas na halaga ng langis ay dagdag pahirap din sa kanila ang overpriced mandatory emissions testing at hindi nababayarang service contracting.

Kaya giit ni Marcos, bukod sa pagtataas ng passenger capacity ay kailangan pa ng dagdag na tulong ng mga tsuper at operator ng PUV.

Facebook Comments