Manila, Philippines – Pag-aaralan na ng Senado ang pagtataas sa presyo ng binibiling palay ng National Food Authority.
Sa katunayan, itinakda nang pulungin ng Senate Committee on Agriculture and Food na pinangungunahan ni Senator Cynthia Villar ang NFA para repasuhin ang NFA charter lalo na’t nagkakagulo ang mga kinatawan nito pag dating sa rice importation.
Balak isama sa NFA charter kung gaano karami ang dapat angkating bigas kada-taon.
Sabi pa ni Villar, wala naman siyang nakikitang problema sa importation pero nababahala siya dahil posibleng masingitan ng smuggled rice kung ganitong government to private sector ang sistema ng pag-aangkat.
Samantala, sinabi naman ng NFA na gusto talaga nilang makabili ng bigas sa mas mataas na presyo para matulungan ang mga magsasaka at magkaroon din ng buffer stock.
Pero ang inaalala ng NFA, ay baka makipag-kompetensya ang mga private traders sa NFA price at tumaas ang presyo ng commercial rice sa merkado.
DZXL558