Kung pagbabasehan ang consumer response kaugnay ng price increase sa mga bilihin, sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na sa pangkalahatan ay nauunawaan ito ng mga mamimili.
Sa Laging Handa press briefing kamakailan, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na bagama’t umaaray ang mga consumers dahil sa taas presyo sa mga ilang commodities, naiintindihan naman aniya ng mga kinauukulan kung saan ito nanggagaling.
Sakop aniya kasi ng oil price hike ang basic commodities kaya sa sandaling may increase sa produktong petrolyo, siguradong kasunod ay taas presyo sa ilang prime commodities.
Sinabi ni Castelo, alam na ng publiko ito kaya’t hindi na aniya mahirap unawain partikular ng mga consumers ang pagtaas sa presyo ng mga bilihin.
Sa harap nito, siniguro ni Castelo na mahigpit ang kanilang ginagawang pagbabantay sa halaga ng prime commodities at kanilang ipinaiiral ang Suggested Retail Price o SRP.