Pagtataas sa sweldo ng cyber security experts sa gobyerno, iminungkahi ng isang kongresista

Kasunod ng mga pag-atake sa website at data systems ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kasama ang Kamara, isinulong ni Bohol 3rd District Rep. Kristine Alexie Tutor na itaas ang sweldo ng cybersecurity experts sa pamahalaan.

Sa mungkahi ni Tutor, marapat mabigyan ng Salary Grade 21 – 25 o buwanang sweldo na mula P71,151 hanggang P115,012 ang mga aplikante na mayroong superior qualifications, private sector experience at expertise.

Habang ang may mga basic computer operation skills ay pinabibigyan naman ni Tutor ng buwanang sweldo na mula P27,000 hanggang P29,075.


Katwiran ni Tutor, napakahalaga ng information technology specialists sa mga tanggapan ng pamahalaan pero ang halaga ng kanilang serbisyo ay hindi natutumbasan ng kanilang sahod sa ngayon.

Kaakibat nito ay iginiit din ni Tutor na mapalakas ang patakaran sa recruitment ng cyber security experts sa gobyerno upang matiyak na ang makakapasa ay may taglay na akmang kaalaman, kakayahan, attitude, at values para magampanan ng mahusay ang kanilang trabaho.

Facebook Comments