Wala umanong makakapigil sa planong “complete reconstruction” ng Binmaley Catholic Cemetery na nakatakdang simulan sa Enero 2026, ayon sa pamunuan ng Our Lady of Purification Parish.
Sa ekslusibong panayam kay Parish Cemetery Coordinator Catalino Parocha, uusad ang Phase 1 ng planong reconstruction sa susunod na taon kalakip ng patuloy na pagpapaliwanag sa mga pamilyang may katanungan.
Bagaman hindi umano maiiwasan na may hindi sumang-ayon sa naturang plano, marami pa rin ang kumbinsido sa magandang maidudulot ng proyekto.
Sa naturang plano, patatayuan ng apartment style na kolumbaryo ang sementeryo para maging organisado ang pagkakasalansan ng proyekto, kabilang ang pagpapatayo ng bagong kapilya at memorial wall sa mismong lugar.
Layuning ng complete reconstruction na gawing ‘holy graveyard’ ang sementeryo upang maisaayos at mabigyan ng respetadong himlayan ang mga yumaong Katoliko.
Ang pagsasaayos sa Binmaley Catholic Cemetery ay suportado ng Archdiocese of Lingayen Dagupan na nauna nang isinagawa sa mga sementeryo sa Dagupan City at Malasiqui.
Paalala ng pamunuan, bukas ang simbahan sa anumang katanungan at nais isangguni upang malinawan sa isasagawang proyekto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









