Pagtataboy ng mga barko ng China sa mga mangingisdang Pinoy sa Pag-asa Island, iniimbestigahan na

Manila, Philippines – Iniimbestigahan na ng Chinese Embassy ang umano’y pagtataboy ng mga barko ng China sa mga mangingisdang Pilipino sa sandbars malapit sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Chinese Ambassador to The Philippines Zhao Jianhua, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs o DFA para iberipika kung ito ay totoo o hindi.

Sabi pa ni Zhao, makakaasa ang Pilipinas na committed ang China na payapang resolbahin ang agawan ng teritoryo sa rehiyon.


Facebook Comments