Wednesday, April 8, 2026

Pagtatag ng automatic Bayanihan-style relief tuwing may energy crisis, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Robert Nazal ang pagtatag ng automatic Bayanihan-style relief na pagaganahin tuwing may deklarasyon ng national energy emergency.

Nakapaloob ito sa inihain ni Nazal na House Bill No. 8821, o panukalang “National Energy Emergency Relief and Protection Act,” na layuning maprotektahan ang bawat pamilyang Pilipino, mga manggagawa at mahalagang mga sektor tuwing may krisis sa enerhiya.

Batay sa panukala ni Nazal ay bubuuin ang isang legal framework o patakaran para sa ready-to-roll assistance o ayuda at iba pang tulong upang hindi na kailangang bumuo ng bagong emergency measures tuwing may krisis.

Nakapaloob sa panukala ni Nazal ang komprehensibong package ng mga tulong pinansyal, suportang pangkabuhayan, cost-of-living protections para sa vulnerable households at workers.

Kaakibat ng panukala ang paglalaan ng P100-billion na Energy Emergency Relief Fund at ang paglikha ng multi-agency council na magbabantay sa implementasyon nito.

Facebook Comments