Pagtatag ng DCJM, isinulong sa Kamara

Isinulong ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan ang House Bill 8672 o panukalang pagtatag ng Department of Corrections and Jail Management (DCJM).

Tugon ang panukala ni Yamsuan sa mga kahinaan o problema sa correctional system ng bansa tulad ng matinding siksikan sa mga bilangguan, limited resources, at kawalan ng sapat na koodinasyon sa pagitan ng mga ahensyang may kinalaman sa penal management.

Binanggit din ni Yamsuan ang umano’y mga pag-abuso at katiwalian na nangyayari sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) at iba pang bilangguan sa bansa.


Sa panukala ni Yamsuan, mapapasailalim ng itatayong DCJM ang Bureau of Corrections, Bureau of Jail management ang Penology, Board of Pardons and Parole, Parole and Probation Administration, gayundin ang mga correctional and jail services ng bawat provincial governments.

Nakapaloob din sa panukala ni Yamsuan na gawing regional correctional facilities ang mga national prisons and penal farms sa Metro Manila, Palawan, Davao, Leyte, Occidental Mindoro at Zamboanga.

Facebook Comments