Pagtatag ng emergency management agency, hiniling ng isang mambabatas na iprayoridad ngayong 17th congress

Manila, Philippines – Bilang tugon sa maagap na disaster response tuwing may kalamidad sa bansa, hiniling ng isang mambabatas na isama sa prayoridad ng Kongreso ang pagkakaroon ng Emergency Management Agency.

Ayon kay Magdalo PL Rep. Gary Alejano, ito ay tugon na rin sa pahayag ni Pangulong Duterte noong SONA na kailangan na ng hiwalay na ahensya para sa disaster response.

Base sa House Bill 108, itatatag ang emergency management agency at ipapasailalim sa tanggapan ng Pangulo.


Ito ang mangangasiwa sa disaster mitigation and preparedness measures pati na sa quick response para mabawasan ang panganib na hinaharap ng publiko tuwing may kalamidad.

Ang ahensiya din ang tututok sa implementasyon ng mga plano ng gobyerno pagkatapos ng kalamidad o trahedya para sa mabilis at siguradong recovery.

Iginiit ng kongresista ang pangangailangan ng hiwalay na ahensya na tutugon sa pangangailangan ng mga maaapektuhan ng bagyo, lindol, at iba pang natural o man-made calamities.

Facebook Comments