Pagtatag ng mga istraktura sa WPS, suportado ng Kamara

Binigyang diin ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party-list Rep Elizaldy Co na buo ang suporta ng House of Representatives sa pagtatayo ng mga istruktura sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Co, ang pagkakaroon ng dagdag na istruktura sa WPS ay makakapagpalakas ng presensya ng Pilipinas sa nabanggit na lugar at tugon sa pagiging agresibo ng China sa panghihimasok sa ating teritoryo.

Sa katunayan, ayon kay Romualdez at Co, sa ilalim ng 2024 national budget ay nilaanan ng dagdag na pondo sa ilalim ng Department of Transportation ang Philippine Coast Guard at ang pagsasaayos ng aiport sa Lawak Island na siyang pinakamalapit na isla sa Ayungin Shoal.


Facebook Comments