Pagtatag ng Senate Medal of Honor for outstanding Filipinos, isinulong ng tatlong senador

Ininain ng tatlong majority-bloc senators ang Senate Resolution No. 781 na layuning magtatag Philippine Senate Medal of Honor award.

Layunin nito na bigyan ng pagkilala ang outstanding athletes, uniformed personnel, scientists, at mga indibidwal o institusyon na nagbigay ng karangalan, hindi mapapantayan na serbisyo at kontribusyon sa bansa.

Kabilang sa may-akda ng resolusyon ay sina Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri, Senator Sonny Angara at Senator Francis Tolentino.


Nakapaloob sa resolusyon ang pagkilala sa karangalan na naibigay ng isang Filipino o institusyon sa larangan ng palakasan, military and defense, science and technology, education, humanitarian at public service kabilang ang field journalism.

Ayon kay Tolentino, napapanahon ang resolusyon habang inaabangan ng Pilipinas ang karangalang iiuuwi sa bansa ng mga Pilipinong atleta na kasali sa Tokyo Olympics.

Inihain ang resolusyon kasunod ng pagsungkit ni Hidilyn Diaz sa unang ginto ng Pilipinas sa Olympics.

Facebook Comments