Pagtatag sa DOFil, hindi napapanahon

Para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, hindi napapanahon ang panukalang paglikha ng Department of Overseas Filipinos o DOFil.

Diin ni Drilon, magiging dagdag na gastos ito ngayong limitado ang pondo ng gobyerno dahil sa COVID-19 pandemic.

Paliwanag pa ni Drilon, nagagawa naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) gayundin ng Department of Foreign Affairs (DFA) at iba pang mga ahensya ang pagtugon sa pangangailangan ng Overseas Filipino Workers (OFWs).


Ipinunto rin ni Drilon na hindi agad mareresolba ng lilikhaing ahensya ang pag-abusong dinaranas ng mga OFWs lalo na ang namamasukang domestic workers o kasambahay sa Middle East.

Pinagbasehan ni Drilon ang sinabi ng DFA sa pagdinig ng Senado na mahirap mapigilan ang pagmaltrato at pag-abuso sa mga Filipino domestic worker dahil ito ay nangyayari sa loob ng bahay ng kanilang mga amo.

Facebook Comments