PAGTATAGUYOD NG PHILIPPINE NUCLEAR POWER PLANT SA LALAWIGAN NG PANGASINAN, NAGPAPATULOY

Patuloy pa rin ang pagtataguyod ng Philippine Nuclear Power Plant na hangaring maitaya sa bayan ng Labrador, sa lalawigan ng Pangasinan.
Alinsunod dito, nakipagpulong ang tanggapan ng ikalawang distrito sa lalawigan ng Pangasinan na pinamumunuan ni Cong. Mark Cojuangco na siya ring may inisyatibo ng pagsusulong ng power plant sa bansa sa Korea Ministry of Trade, Industry, and Energy (MOTIE).
Ayon sa kongresista, malaking progreso ang pagpupulong na naganap para sa adbokasiya na mapaandar muli ang Philippine Nuclear Power Plant.

Bahagi ng pagsusulong nito ang layuning magkaroon ng matibay na ugnayan sa mga nuclear-powered countries na magpapabilis sa pagbabalik ng nuclear energy operations.
Layunin ng nuclear power na makamit ng mga Pangasinense, maging ang mamamayan ng buong bansa ang mura at maaasahang kuryente. |ifmnews
Facebook Comments