Pagtataguyod ng transparency at press freedom, marching order ni PBBM kay PCO Sec. Gomez

Itaguyod ang pagiging transparent, pangalagaan ang press freedom, at karapatan ng publiko.

Ito ang unang marching orders ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Sec. Dave Gomez bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office.

Ayon kay Gomez, hindi pribilehiyo ang access sa impormasyon kundi isang pundasyon ng accountability at tiwala ng publiko.

Kaya naman tutukan ng kalihim ang paghahatid ng programa at polisiya ng gobyerno sa halip na pulitika.

Isusulong din aniya ni Gomez ang digital transformation sa PCO, bilang bahagi ng digital footprints ng administrasyon.

Samantala, tiniyak naman ni Gomez susuklian niya ng kaniyang 100 poryentong commitment at pagtutok sa kaniyang trabaho ang tiwalang ipinagkaloob sa kaniya ni Pangulong Marcos.

Facebook Comments