PAGTATAGUYOD SA AQUACULTURE SA PANGASINAN, TINUTUTUKAN

Nagpapatuloy ang pagtataguyod ng aquaculture sector sa lalawigan ng Pangasinan upang mas mapalakas ang industriya at mapakinabangan ng mga mangingisda sa lalawigan.

Alinsunod dito, umarangkada ang Good Aquaculture Practices sa bayan ng Sual, sa pangunguna ng Samahang Magbabangus ng Pangasinan o SAMAPA.

Ibinahagi sa mga local bangus producers at iba pang mga stakeholders ang mga kaalamang nakapaloob sa pagsiguro ng wastong pamamaraan ng pangingisda.

Una nang inihayag ni SAMAPA President Christopher Sibayan sa naging panayam nito sa IFM News Dagupan na tutungo ang kanilang pamunuan sa iba’t-ibang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan upang maibaba ang mga kaalamang mas magpapatatag pa sa sektor ng pangisdaan.

Samantala, kasabay nito ang naganap na talakayin ukol sa Konsulta Program ng PhilHealth na may layon umanong mabigyan ng access ang mga fisherfolks sa kalidad na serbisyong pangkalusugan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments