PAGTATAGUYOD SA KAPAKANAN NG MGA KABATAAN KAUGNAY SA KAMPANYA LABAN DROGA, BINIGYANG DIIN

Binigyang diin sa naganap na press conference ni DILG Sec. na si Benhur Abalos ukol sa pagbibigay kaalaman sa mga kabataan kaugnay sa droga at ang mga masamang epekto nila sa kanilang buhay.
Ani Abalos, palakasin ang mga enforcement ng Church at iba pang mga katuwang na hanay at ahensya na daan upang maging empowered ang mga kabataan, at matututo na iinvolved ang mga sarili sa mga bagay na makabuluhan at may magandang epekto.
Nabanggit din ni Sec. Abalos na mas mainam kung ang naisasagawang mga drug testing ay mag-uumpisa sa pinakamaliit na unit – ang Barangay, ang mga Brgy. Council.

Samantala, layon ng nasabing programa na maitatak sa mga isipan ng mga kabataan ang maling epekto ng iligal na droga at kung paano ang mga ito mas malabanan sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga ganitong uri ng aktibidad. |ifmnews
Facebook Comments