Pinagtibay ng Alaminos City OFW Family Association (ACOFA) ang kanilang commitment na itaguyod ang kapakanan ng mga OFW at kanilang pamilya sa pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo ng samahan na may temang “Women Together! Twelve years of growth, strengthened by unity in one purpose and mission, fueled by Heart and Strength.”
Ipinarating ang pagbati at suporta ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mga kinatawan nito.
Pinangunahan ng ACOFA ang programa bilang katuwang ng PESO sa pagtulong at pagbibigay ng suporta sa mga OFW at kanilang pamilya.
Sa pamamagitan ng selebrasyon, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa at kooperasyon sa pagpapaigting ng serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at kabuhayan para sa mga OFW sa Alaminos City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







