
May pangangailangan na ibalik ang regulatory powers ng National Food Authority (NFA) upang makatulong na ipatupad ang floor price ng palay.
Ito’y upang maprotektahan ang mga lokal na magsasaka mula sa mga mapagsamantalang rice traders.
Ginawa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel, Jr. ang pahayag sa gitna ng patuloy na pag-aaral sa mga posibleng ligal na paraan upang magtakda ng floor price sa ilalim ng Price Act.
Ang floor price, na tumutukoy sa isang minimum na presyo na itinatakda ng estado para sa mga kalakal o serbisyo upang mabigyang pagkakataong mabawi ang gastos sa produksiyon ng mga magsasaka ng palay.
Ayon kay Laurel , makatutulong ang naturang regulatory powers ng NFA upang ma-monitor ang aktibidad ng mga lehitimong rice traders at upang masinsin ang talaan ng mga magsasaka ng palay na kinakailangang proteksyunan laban sa pang-aabuso.









