Pagtatakda ng kwalipikasyon para sa mga nais maging barangay tanod, isinulong sa Kamara

Bilang mga frontliner sa pagbibigay proteksyon sa mamamayan, pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan at pagsawata sa mga krimen at iba pang uri ng paglabag sa batas ay isinulong ni San Jose del Monte City Representative Rida Robes ang pagtatakda ng kwalipikasyon para sa mga barangay tanod.

Sa inihain ni Robes na House Bill 7603 o Barangay Tanod Qualifications Act ay nakapaloob na ang mga tanod ay dapat
• Filipino citizen
• residente ng lugar at rehistradong botante ng lugar kung saan ito magiging tanod
• 18 hanggang 59 taong gulang
• marunong magbasa at magsulat at mas mainam kung nakapagtapos ng high school
• may mabuting pagkatao
• may maayos na pag-iisip at pangangatawan

Sa ilalim ng panukala ni Robes ay pinapabigyan din ng insentibo ang mga tanod tulad ng pagkakaloob sa kanila ng P25,000 kapag umabot sa 10 taon sa pagseserbisyo.


Nais din ng panukala na isama ang mga tanod sa Government Service Insurance System (GSIS) at National Health Insurance Program.

Facebook Comments