
Iginiit ni KABAYAN Partylist Representative Ron Salo ang pagtatakda ng National Labor Wage para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Ayon kay Salo, tugon ito sa magkakaibang rates o halaga ng pasweldo sa bawat rehiyon sa bansa kahit may pagkakapareho sa uri ng kanilang trabaho.
Diin pa ni Salo, mapipigilan din nito ang pagbuhos sa Metro Manila ng mga manggagawa mula sa mga probinsya kung saan mas maliit ang pasweldo.
Una nang inihain ni Salo ang House Bill No. 525 o panukala na nagsusulong ng ₱750 na national minimum wage para sa private sector workers sa buong Pilipinas.
Ang proposed wage increase ni Salo ay kabilang sa mga panukalang inaprubahan at ikinonsidera ng House Committee on Labor and Employment para sa binuong panukalang ₱200 daily wage increase para sa minimum wage earners.









