Pagtatakda ng SRP at regular na paglalabas ng presyo ng agri-products, hiniling ng AGAP Party-list

Pinatututukan ng isang kongresista ang presyuhan ng mga produktong pang-agrikultura mula sa farmgate price hanggang sa bentahan sa palengke.

Ito ay ayon kay Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Party-list Representative Nicanor Briones para mabilis matukoy ang problema sa presyuhan.

Aniya, kung lalabas na labis o mataas ang presyo ng isang produkto ay puwedeng kumilos kaagad ang gobyerno para ma-imbestigahan kung saan ang problema.


Mas maisasagawa daw ito kung magiging transparent ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) sa arawang monitoring nito ng presyo ng mga bilihin.

Kung araw-araw o linggo-linggong makikita ng publiko at mga producer ang presyo sa mga palengke ay makikita kung mayroon na pagsasamantala.

Dagdag pa ni Briones, mahalaga na magtakda ng suggested retail price (SRP) sa mga produkto na pagbabatayan kung lagpas ba sa makatuwirang antas ang presyuhan ng mga bilihin.

Facebook Comments