Pagtatakda sa Sta. Rosa City sa Laguna bilang isang hiwalay na distrito, aprubado na

Magiging hiwalay na legislative district ang siyudad ng Sta. Rosa sa Laguna.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulo Rodrigo Duterte ang Republic Act no. 11395 na siyang naghihiwalay na sa Sta. Rosa City sa first district ng probinsya ng Laguna.

Ang nakaupong congressman para sa 1st district ng Laguna ang siyang magiging kinatawan pa rin ng Sta. Rosa hanggang sa panahong makapaghalal ng bagong kongresista.


August 22 pirmado ni Pangulong Duterte ang batas at epektibo ito labin-limang araw matapos ang official publication.

Matapos nito, bibigyan naman ang Commission on Elections (Comelec) ng 60 araw para bumuo ng regulation sa pagpapatupad nasabing batas.

Facebook Comments