Pagtatalaga kay Agrarian Reform Sec. Rafael Mariano, umani ng batikos

Manila, Philippines – Inulan ng batikos ang pagtatalaga kay Rafael ‘Ka Paeng’ Mariano bilang kalihim ng Dept. of Agrarian Reform (DAR).

Matitinding paratang ang ibinato ng mga grupo kontra sa confirmation ni Mariano.

Ayon kay Noel Mallari, kinatawan ng grupo ng mga farm workers – hindi patas ang kalihim sa pagtatrato sa farmer beneficiaries lalo na sa Hacienda Luisita.


Sinabi naman ni Roland Dizon, Barangay Chairman sa La Paz, Tarlac – hindi nararapat sa bilang kalihim ng DAR si Ka Paeng dahil wala itong pakialam sa mga problema ng lupa sa mga probinsya.

Mahinahong tugon naman ni Mariano, itinanggi niya na hindi siya nakikinig sa hinaing ng mga farm worker beneficiaries.

Wala rin aniya siyang pinapanigan na farm workers at ipinaglaban pa nito ang land ownership award ng mahigit 100 farmer beneficiaries na nawala ng awtoridad sa ibinahagi sa kanilang lote sa loob ng Hacienda Luisita.

Nirerespeto ng kalihim ang comprehensive land reform law at suportado rin niya ang preserbasyon ng mga lupang pang-agrikultura pero hindi naman kontra sa land-use conversion.

Magpapatuloy ang pagdinig sa ad interim appointment ni Ka Paeng ngayong araw.

Facebook Comments