Pagtatalaga kay Chief Insp. Espenido sa Iloilo, nakababahala para kay Senator Drilon

Manila, Philippines – Para kay Senator Franklin Drilon, cause of concern o dahilan ng pagkabahala ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagtatalaga kay Chief Inspector Jovie Espenido sa Iloilo City.

Reaksyon ito ni Senator Drilon, sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto ni Espenido na maitalaga sa Iloilo dahil si Mayor Jed Patrick Mabilog ay kasama sa kanyang narcolist.

Si Mayor Mabilog ay pinsan naman ni Senator Drilon.


Ayon kay Drilon, ang nakatakdang pagtatalaga kay Espinido ay welcome sa mga peace loving, cultured, at law abiding na mga Ilongo.

Gayunpaman, umaasa si Drilon na tutuparin ni Espinido ang paalala ng Pangulo na na sumunod sa rules of engagement sa pagtupad nito ng tungkulin bilang alagad ng batas.

Facebook Comments