Pagtatalaga kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana bilang bagong AFP Chief of Staff, welcome sa hanay ng militar

Hindi matatawaran ang galing sa pamumuno at pagtatrabaho ni Lt. General Cirilito Sobejana sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang pahayag ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo matapos na mapili ni Pangulong Rodrigo Duterte si General Sobejana bilang pang-55 AFP Chief of Staff.

Sa harap na rin ng pagreretiro sa serbisyo ni Outgoing AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay sa susunod na buwan.


Batay sa official statement ni Major General Arevalo, sinabi nitong welcome sa hanay ng mga sundalo si General Sobejana na kilala bilang “warrior with the heart of a peacemaker.”

Si Sobejana ay kasalukuyang Commanding General ng Philippine Army, siya ay Medal of Valor awardee, ang pinakamataas na parangal sa isang sundalo dahil sa kabayanihan.

Miyembro siya ng Philippine Military Academy (PMA) “Hinirang” Class of 1987.

Facebook Comments