Pagtatalaga kay MGen. Bacarro, dinepensahan ni Defense Secretary Lorenzana

Ipinagtanggol ni Defense Secretary Delfin Lorenzana si Major General Bartolome Bacarro sa pagkakatalaga dito bilang bagong commander ng Southern Luzon Command (SOLCOM) kapalit nang magreretirong si Lt. Gen. Antonio Parlade Jr.

Ito ay matapos na umapela si Cagayan de Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang appointment ni Bacarro dahil sa hindi para raw tapos o hindi pa nasasagot ang mga tanong sa pagkamatay sa hazing ni Philippine Military Academy (PMA) Cadet Darwin Dormitorio noong 2019.

Ayon sa kalihim, dumaan sa masusing selection process ng AFP Board of Generals ang pagpili kay Bacarro para sa bagong posisyon.


Giit pa ni Lorenzana, pinawalang sala na ng Baguio City Prosecutor’s Office si Bacarro sa krimen dahil sa walang makitang probable cause.

Aniya pa, lahat ng mga responsable sa pagkamatay ni Dormitorio ay nahaharap na ngayon sa kasong kriminal at hindi aniya makaturangan para kay Bacarro na hindi ma-promote sa posisyon dahil sa krimeng hindi naman sya responsable.

Para kay Lorenzana, tiwala sya sa kakayahan ni Bacarro para pamunuan ng SOLCOM.

Matatandaang si Bacarro ang Commandant of Cadets ng PMA nang mangyari ang hazing na ikinasawi ni Dormitorio.

Facebook Comments