Umaasa ang mga senador na tatanggapin ni Vice President Leni Robredo ang pagtatalaga sa kanya ni Pangulong Rodrigdo Duterte bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti Illegal Drugs o ICAD.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III, paraan ito para marealize ni Robredo na matindi pala talaga ang problema sa ilegal na droga para matigil na ang pagpapatigil nila sa war on drugs ng administrasyon.
Tiwala naman si Senator Ronald Bato Dela Rosa na sa bagong posisyon ni Robredo ay mas magtatagumpay ang war on drugs na dapat nating labanan bilang nagkakaisang bansa na hindi watak watak dahil sa politika.
Diin naman ni Tolentino, patunay ito ng sinseridad ni pangulong duterte na paghusayin ang kanyang pamumuno at magsulong ng kooperrasyon para labanan ang ilegal na droga.
Sabi naman ni Senator Imee Marcos, sana ay tanggapin ni Robredo ang trabaho dahil kailangan ni President Duterte ang lahat ng tulong laban sa mga drug lords.
Hangad naman ni Senator Bong Go na magtagumpay si Robredo kaakibat ang paalala na unahin nito ang intres ng mga Pilipino para masugpo ang iligal na droga.