Pagtatalaga kay Wendel Avisado bilang Acting Secretary ng Budget Department, dinipensa ni Pangulong Duterte

Ipinaliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit niya itinalaga si dating Davao City Administrator Wendel Avisado bilang Acting Secretary ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon sa Pangulo, wala siyang ibang mapili na komportable para sa kanya.

Iginiit din ng Pangulo na ang mga siyudad at munisipalidad ay dapat mayroong equitable share sa National Budget.


Si Avisado ay City Administrator ng Davao mula 2004 hanggang 2010 kung saan alkalde pa ng lungsod si Pangulong Duterte.

Nagsilbi rin bilang Dating National President ng Boy Scouts of the Philippines at Presidential Assistant para sa Yolanda Rehabilitation ang bagong Acting Budget Chief.

Facebook Comments