Manila, Philippines – Irerekumenda ni Justice Secretary Menardo Guevarra kay Pangulong Rodrigo Duterte na “abogado” ang italagang bagong director general ng Bureau of Corrections o BuCor.
Ito ay bilang kapalit ng nasibak na si Nicanor Faeldon kaugnay ng kontrobersiya sa Good Conduct Time Allowance o GCTA law.
Ayon kay Guevarra, “advantage” kung may legal background ang susunod na BuCor chief.
Sinabi ni Guevarra na sa ganitong paraan, maraming batas sa correctional system ang mas maiintindihan kung isang abogado ang mamumuno sa BuCor.
Sinabi pa ng kalihim na may mga abogado namang pulis o militar na disiplinado.
Facebook Comments