Pagtatalaga ng anti-COVID monitoring at help desk sa bawat barangay, isinusulong ng isang kongresista

Hinimok ni House Committee on Economic Affairs Vice Chairman at Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong ang pamahalaan na maglagay ng anti-COVID monitoring and help desks sa lahat ng barangay sa bansa.

Sinabi ni Ong na dapat magtayo ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng COVID-19 Protocol and Monitoring Helpdesk and Testing Centers sa mga barangay upang maiwasan pa ang pagkalat ng sakit.

Kung maagapan, aniya, ang pagtukoy sa sakit, sa mga barangay pa lamang ay malaki na ang tyansa na mailayo ang iba pang komunidad sa COVID-19.


Iginiit ni Ong na i-activate ng task force ang mga barangay health workers bilang mga frontliners sa paglaban sa virus kaakibat na mayroon ang mga ito na personal protective equipment o PPE.

Inirekomenda nito na kung available na ang test kit, ang mga taong may nararamdamang sintomas ng COVID-19 ay maaring magtungo sa mga itatayong barangay monitoring and helpdesks upang magpasuri at maisailalim sa test.

Facebook Comments