Pagtatalaga ng chief of police sa mga lugar sa bansa, ipinauubaya sa PNP chief

Ipinapaubaya ni Senator Grace Poe sa liderato ng Philippine National Police (PNP) ang pagtatalaga ng Chiefs of Police (COP) ng mga lungsod at munisipalidad.

Ginawa ni Poe ang rekomendasyon sa kanyang interpelasyon kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa Senate Bill No. 2449 o An Act Providing for Organizational Reforms in the PNP.

Inaamyendahan nito ang Republic Act 6975 at Republic Act 8551 o ang batas na bumuo sa PNP.


Layunin nito na alisin sa local chief executives ang impluwensya sa pagtatalaga ng mga pinuno ng pulisya sa kanilang mga lugar.

Aminado naman si Poe na nakakapangamba na masentro sa PNP chief ang kapangyarihan subalit wala naman aniyang malinaw na dahilan upang hayaan ang local government official na makaimpluwensya sa PNP.

Sa kasalukuyang sistema, ang mga lokal na opisyal ang nagtatalaga ng mga chief of police at ang PNP chief ay nagrerekomenda lang sa mga gobernador at mayor.

Facebook Comments