Pagtatalaga ng cooperative officer sa bawat lugar sa bansa, isinusulong ng Kamara

Manila, Philippines – Inaprubahan ng House Committee on Cooperatives Development ang substitute bill para sa pagtatalaga ng cooperative officer sa bawat munisipalidad, probinsya at mga lungsod.

Nasa limang panukala ang inihain para sa pagtatalaga ng isang cooperative officer.

Layon ng binuong House Bill 5682 na may italagang cooperative officer na siyang titiyak na natutugunan ang mga pangangailangan ng isang kooperatiba sa mga LGUs.


Dapat ding siguruhin ng isang cooperative officer na natatapatan ng mga kooperatiba ang economic development plans ng pamahalaan.

Kinikilala din ng panukala ang kahalagahan ng mga kooperatiba bilang bahagi ng pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kina COOP NATCCO PL Rep. Anthony Bravo at Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing, mahalaga na may cooperative officer na siyang magbabantay sa patas na pamamahagi ng benepisyo at makahikayat ng mas marami pang lalahok at mamumuhunan para sa kooperatiba.
DZXL558

Facebook Comments