Pagtatalaga ng COVID-19 Lab Czar, itinutulak ng isang Kongresista

Muling inirekomenda ni dating Health Secretary at kasalukuyang Iloilo Rep. Janette Garin ang pagtatalaga ng COVID-19 Lab Czar upang ma-maximize ang kapasidad ng mga laboratoryo sa bansa.

Sa teleconference meeting ng House Defeat COVID-19 Committee, sinabi ni Garin na magsisilbing operations managers ang COVID-19 Lab Czar sa mga laboratoryo na nagsasagawa ng tests sa naturang sakit.

Ang COVID-19 Lab Czar din aniya ang siyang magtatakda ng bilang ng tests na kailangan isagawa ng mga laboratoryo at maghahanap ng paraan sakaling mangailangan ang mga ito ng karagdagang manpower o lab augmentation.


Makikipag-ugnayan din ito sa Department of Finance, Department of Trade and Industry at Department of Interior and Local Government para sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Siya rin ang mamamahala sa timely release ng COVID-19 test results para sa mabilis na pag-contain ng infection gayundin ang pagbibigay ulat sa publiko hinggil sa inventory ng mga available test kits.

Facebook Comments