PAGTATALAGA NG FULL TIME DEPARTMENT OF AGRICULTURE SECRETARY, MATAGAL NA DAW IPINANAWAGAN NG GRUPONG BANTAY BIGAS

Matagal na raw ipinanawagan ng grupong Bantay Bigas ang pagtatalaga ng isang full time na kalihim ng Department of Agriculture.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, pagkaupo pa lamang bilang presidente ng Pilipinas ay nanawagan na sila noon kay Pangulong Bongbong Marcos na magtalaga ng kalihim ng DA.
Subalit imbes na magtalaga aniya ay si PBBM pa ang naging OIC nito hanggang ngayon.

Hindi naman aniya natutupad ang mga plano at pangako ng Pangulo sa hanay ng Agrikultura lalo na ng pagpapababa ng presyo ng bigas.
Wala din aniya sila nakikitang mga programa ng pamahalaan ngayon upang matugunan ang mga problema sa hanay ng Agrikultura.
Matatandaan na naging usap usapan ulit ang usapin sa DA matapos ilang mga grupo ang humiling kay PBBM na magtalaga na ng full pledge DA Secretary matapos magtalaga ng full time DND at DOH Secretaries. |ifmnews
Facebook Comments