Pagtatalaga ng intelligence operative sa mga pantalan sa Mindanao, pinaplano ng Bureau of Immigration

Mindanao – Plano ng Bureau of Immigration and Deportation na magtalaga ng mga intelligence operative sa mga pantalan sa Mindanao na nagsisilbing backdoor papasok ng Pilipinas.

Kasunod ito ng mga ulat na ilang terorista ang dumaan sa mga pantalan sa rehiyon at kasama pang nakikipagbakbakan sa Marawi.

Ayon kay Port Operations Division Chief Marc Red Marinas, aatasan na nila ang border control intelligence unit para tiyaking wala nang teroristang iligal na makapapasok sa bansa.


Inirekomenda rin nito kay Immigration Chief Jaime Morente na kumuha ng mga tauhan na may karanasan sa intelligence gathering at law enforcement para maitalaga sa mga pantalan sa Mindanao at Palawan.

Facebook Comments