Pagtatalaga ng isang nurse bawat barangay, ipinanawagan sa gobyerno ng grupo ng healthworkers

Hinikayat ng grupong Filipino Nurses United (FNU) ang gobyerno na magtalaga ng isang nurse bawat barangay upang madagdagan ang workforce sa patuloy na paglaban ng bansa kontra COVID-19.

Ayon kay Jocelyn Andamo, Secretary General ng FNU, nakakabahala na bagama’t nadadagdagan ang mga kama para sa mga pasyente ng COVID-19 ay hindi naman dumarami ang mga Nurse na itatalaga dito.

Habang nanawagan din ang grupo na magkaroon ng libo-libong mass hiring kung saan aabot sa 42,000 na Nurses ang kukuhanin para ilagay sa bawat barangay.


Kabilang din sa dapat na ibigay ay ang sapat na sahod, benepisyo at assurance kung sila ay magkakasakit na hindi magiging problema sa kanilang pamilya.

Sa ngayon, hanggang kahapos (April 24), umabot na sa 989,380 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa matapos itong madagdagan ng 9,661.

Facebook Comments