Pagtatalaga ng karagdagang doktor sa Cebu City, dapat boluntaryo ayon kay VP Robredo

Ang pagpapadala ng karagdagang doktor sa Cebu City ay dapat manatiling boluntaryo.

Ito ang pahayag ni Vice President Leni Robredo sa kautusan ng Department of Health (DOH) na magpadala ng rural physicians sa ilalim ng Doctors to the Barrios program sa mga pribadong ospital sa Cebu City na layong palakasin ang COVID-19 response efforts.

Sa interview ng DYHP RMN Cebu kay Robredo, sinabi niya na dapat mabigyan ng dagdag na insentibo ang mga medical frontliners para makumbinse silang magtrabaho sa Cebu City.


Tingin ni Robredo, ang mababang sahod sa mga health workers ang isa sa mga dapat ayusin ng pamahalan.

Inihalimbawa ni Robredo ang pagtugon ng COVID-19 sa New York City sa Estados Unidos kung saan sineswelduhan ng mataas ang mga medical workers para mahikayat silang magtrabaho sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments