CAUAYAN CITY- Hiniling ni Gov. Jose Gambito ang pagtatalaga ng karagdagang tauhan ng pulisya sa sa mga road construction areas sa bayan ng Diadi.
Ayon sa kanyang facebook post, sa pamamagitan nito ay magiging maayos ang batas trapiko lalo na at madalas makaranas ng mabigat na trapiko sa lugar.
Aniya, magpapatawag rin ito ng emergency meeting sa mga kinauukulan kung saan ilalatag rito ang mga solusyon upang maibsan ang kalbaryong dinaranas ng mga motorista sa nasabing daan.
Kaugnay nito, matatandaan namang kamakailan lamang ay isang aksidente ang naganap sa national highway ng Diadi kung saan nagdulot ito ng mabagal na daloy ng trapiko sa lugar.
Facebook Comments