Pagtatalaga ng mga COVID-19 Testing Centers sa buong bansa, ipinanawagan ng isang Kongresista

236

Hinikayat ni Assistant Majority Leader at Iloilo City Rep. Julienne Baronda sa gobyerno na magtalaga na ng mga COVID-19 testing centers sa buong bansa.

Ginawa ng Lady Solon ang panawagan sa gitna ng debate at interpelasyon para sa pagbibigay ng special powers kay Pangulong Duterte upang tugunan ang COVID-19.


Hiniling ni Baronda ang mabilis na pag-establish ng mga accredited COVID-19 testing centers sa bawat rehiyon sa bansa upang mas mabilis ang gagawing diagnosis sa mga Persons Under Investigation (PUIs).

Sa ganitong paraan ay mas magiging efficient ang paghawak sa mga possible COVID-19 cases na hindi na kakailanganing dalhin o ibyahe sa malalayong lugar para lamang maipa-test.

Kasabay nito ay hinimok din ni Baronda ang Kamara na i-endorso ang kanyang request sa Department of Health na i-accredit na bilang second testing center ng Coronavirus cases sa Western Visayas ang West Visayas State University Medical Center.

Paliwanag ni Baronda, kailangan ng pangalawang testing center sa Western Visayas bilang proactive measure sakaling dumagsa o tumaas ang bilang ng mga nagpapatest sa Western Visayas Medical Center na unang itinalagang COVID-19 testing center sa rehiyon.

Facebook Comments