Pagtatalaga ng mga sundalo sa civilian position, hiniling na ipagbawal

Manila, Philippines – Ipinanukala ngayon ng Gabriela sa Kamara na ipagbawal ang pagtatalaga ng mga retirado maging ang mga aktibong opisyal ng militar sa mga matataas na sibilyang posisyon sa pamahalaan.

Sa House Bill 5712 na inihain nila Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, nais nilang ipagbawal na ang pagtatalaga sa mga sundalo sa civilian position sa gobyerno.

Giit ng mga kongresista, nawawala na ang pagkakaiba ng civilian authority at armed forces dahil sa walang tigil na pagtatalaga ng mga sundalo o dating sundalo sa mahahalagang pwesto.


Mahalaga anilang maisabatas ito ngayong nakakiling masyado ang administrasyon sa military rule.

Malinaw namang isinasaad sa panukala na hindi pinagbabawalan ang mga retired o active military personnel na tumakbo sa halalan para sa elective positions.

Katwiran pa ng mga mambabatas, iba ang pagsasanay ng mga militar kung ikukumpara sa paghawak ng posisyon ng mga sibilyan.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments