Manila, Philippines – Kaya nang pangasiwaan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang rehabilitasyon ng Marawi City matapos ang naganap na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at teroristang Maute Group, ito ang sinabi ni Senator Gringo Honasan, kaugnay sa usapin ng pagtatalaga ng czar para pamahalaan ang rehabilitasyon sa Marawi.
Ayon kay Honasan, Chairman ng Senate ad HOC Committee on the Marawi Reconstruction and Rehabilitation Program, bilang administrator ng martial law sa Mindanao at chairman ng NDRRMC, si Lorenzana ang may kakayahan na pangasiwaan ang rehabilitasyon ng naturang lugar.
Aniya malabong matulad ang Marawi City sa sinapit ng Tacloban City na matapos manalasa ang bagyong Yolanda, ay hanggang ngayon hindi pa natatapos ang pagbangon at pagtulong sa mga residente doon.
Binigyang diin ni Honasan, na magiging epektibo si Lorenzana kung bibigyan ng sapat na manpower at resources para ma-implementa ang mga programa ng gobyerno sa Marawi city.