Suportado ng Department of Health (DOH) ang mungkahi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na magtalaga ng “vaccine czar”.
Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, manganda na magkaroon ng vaccine czar para talagang matutukan ang development at distribusyon ng COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
Pero aniya, depende ito sa diskresyon ng administrasyon lalo na ng Office of the President.
Sa ngayon, ginagawa naman aniya ng Department of Science and Technology at ng Food and Drugs Administration ang trabaho nito na may kaugnayan sa bakuna kontra COVID-19.
Matatandaang sinabi ng Malacañang na posibleng magkaroon ng logistical challenge sa distribusyon ng bakuna oras na ito ay maging available sa bansa.
Kinakailangan kasi ng gobyerno ng cold chain na ma sub-zero temperature para sa vaccine storage.
Sa ngayon, tanging ang Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa City ang may ganitong pasilidad.