Pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga opisyal ng militar sa kanyang Gabinete, pinuna ng ilang mambabatas

Manila, Philippines – Pinuna ng ilang mambabatas ang patuloy na pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga opisyal ng militar sa kanyang Gabinete.

Kabilang na dito sina:
-dating AFP Chief of Staff Roy Cimatu, na bagong DENR secretary
-kasalukuyang AFP Chief of Staff Eduardo Año, incoming DILG secretary
-National Security Adviser Germogenes Esperon
– Defense Secretary Delfin Lorenzana

Ayon kay Anakbayan Representative Ariel Casilao – tila nagpapahiwatig kasi ito ng militarisasyon sa pamahalaan.


Pero para kay Senador Chiz Escudero – walang masama sa paglagay sa mga dating opisyal ng militar sa gobyerno dahil ginawa na rin ito ng mga dating pangulo.

Para naman kay Senador Dick Gordon – maituturing pambalanse ang ginawa ni Pangulong Duterte sa mga itinalaga naman niya na makakaliwa.

Para naman sa political analyst na si Prof. Edmund Tayao – natural lang na gamitin ng Pangulong Duterte ang mga heneral lalo’t nahaharap ang bansa sa mga isyu tulad ng terorismo at ilegal na droga.

Nabatid na kilalang malapit sa militar si Pangulong Duterte.
DZXL558

Facebook Comments